mamumulot akong muli ng nagkalat na plastik
tapon dito, tapon doon, minsan di makaimik
di na inisip kung saan plastik ay sumisiksik
kawalang disiplina sa basura'y hinahasik
ayokong pagmasdan ang maruming kapaligiran
kaya pupulutin ang basura sa kadawagan
bakit ang mga lupa'y ginagawang basurahan
imbes na tamnan ito ng mapapakinabangan
walang magawa kundi pulutin ang mga plastik
labhan, banlawan, patuyuin, gagawing ekobrik
pag tuyo na ito'y gugupitin at isisiksik
sa boteng plastik, patitigasing katulad ng brick
plastik na'y naglipana sa lupa, gubat, at laot
sa nangyayaring ito'y sino ang dapat managot
kundi tayo ring sa gawang ito'y nagpahintulot
anong gagawin upang ito'y tuluyang malagot?
- gregbituinjr.
Ito ang blog ng sanaysay at tula ng ekobriker na si Gregorio V. Bituin Jr. Itinataguyod niya ang pangangalaga sa kalikasan, at pagtitiyak na kahit papaano'y makapag-ambag munti man upang hindi pumunta sa landfill at sa karagatan, lawa at ilog ang mga plastik at upos ng yosi upang hindi makain ng mga isda at hindi makasama sa kalikasan at sa kalusugan ng kapwa tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Upang di masayang ang wi-fi
UPANG DI MASAYANG ANG WI-FI dahil sa wi-fi, dapat may ma-upload akong tulâ nang di masayang ang wi-fi na binayarang sadyâ buwan-buwan, at k...
-
may mga basurahan nang para sa nabubulok panis na pagkain, pinagbalatan ipapasok basang papel, dahong winalis, huwag magpausok magsunog ng b...
-
ang dagat bang puno ng basura'y nakita nyo na? anong namasdan nyo, aba'y kayraming plastik, di ba? nakakadiring pumunta sa dagat n...
-
KAININ MO NA LANG KAYA ANG BASURA MO "kainin mo na lang kaya ang basura mo kung pagtatapon ay di mo kayang iwasto" ito ang s...



No comments:
Post a Comment