Sunday, May 29, 2022

Pagmumuni

PAGMUMUNI

nakatitig muli sa kawalan
nakatingala sa kalangitan
nangyayari sa kasalukuyan
ay may ugnay sa kinabukasan

ang tubig sa aplaya'y mababaw
ramdam ng katawan ko ang ginaw
unang punta ko lang sa Anilao
ngunit kayrami ko nang nahalaw

aralin sa dinaluhang pulong
sa zero-waste na malaking tulong
nakasalamuha'y marurunong
nagbahagi ng kanilang dunong

dinig ko ang alon sa aplaya
tila dinuduyan ang pandama
buti na lang, kasama ang sinta
nagtampisaw doong buong saya

- gregoriovbituinjr.
05.29.2022

No comments:

Post a Comment

Upang di masayang ang wi-fi

UPANG DI MASAYANG ANG WI-FI dahil sa wi-fi, dapat may ma-upload akong tulâ nang di masayang ang wi-fi na binayarang sadyâ  buwan-buwan, at k...