kaytagal ko ring nakasama ang gunting na iyon
higit limang buwan ding kasa-kasama maghapon
sa paggupit-gupit ng mga plastik kong tinipon
na ipapasok ko sa boteng plastik na naipon
halos ganyan na araw-gabi itong ginagawa
habang may pandemya kaysa naman nakatunganga
ang gunting na iyong nagsilbi't kasangga kong pawa
habang nageekobrik ng kusa sa aking lungga
ang gunting na iyong talagang kaylaki ng silbi
sa panahon ng pandemyang di ako mapakali
para sa kalikasan, dito ako nawiwili
kaya patuloy sa pageekobrik araw-gabi
salamat sa gunting na iyong aking nakasama
sa mag-aanim na buwan na ngayong kwarantina
sa higit dalawampung ekobrik, nagsilbi siya
salamat sa gunting na hanggang ngayon ay buhay pa
- gregoriovbituinjr.
Ito ang blog ng sanaysay at tula ng ekobriker na si Gregorio V. Bituin Jr. Itinataguyod niya ang pangangalaga sa kalikasan, at pagtitiyak na kahit papaano'y makapag-ambag munti man upang hindi pumunta sa landfill at sa karagatan, lawa at ilog ang mga plastik at upos ng yosi upang hindi makain ng mga isda at hindi makasama sa kalikasan at sa kalusugan ng kapwa tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Muling paggawa ng ekobrik
MULING PAGGAWA NG EKOBRIK ang maybahay ko'y may naiwang boteng plastik sa bahay, naisip kong muling mag-ekobrik na naiwan kong gawaing n...
-
gawain ko'y di pa matatapos hangga't may plastik ipon ng ipon, gupit ng gupit ng mga plastik bawat nagupit ay isisilid sa boteng p...
-
Basurang tinapon mo'y babalik sa iyo sa laot, tila ang mga isda'y nagpipiyesta sa dami ng kinalat ng tao't ibinasura upos ...
-
may mga basurahan nang para sa nabubulok panis na pagkain, pinagbalatan ipapasok basang papel, dahong winalis, huwag magpausok magsunog ng b...
No comments:
Post a Comment