ANG UPOS AT KABULUKAN, AYON SA ISANG PAHAM
paano ba tumira sa dagat ng upos?
tiyak ang pamumuhay mo'y kalunos-lunos
papatianod na lang ba tayo sa agos?
at mabubuhay sa mundong parang busabos?
pangatlo ang upos sa basura sa dagat
at sa upos, isda't balyena'y nabubundat
bakit basurang upos ay ikinakalat?
ng mga walang awang kung saan nagbuhat
minsan, dagat ng basura'y ating lingunin
kaya ba nating linisin ang dagat natin?
kung hindi'y paano ang wasto nating gawin?
upang isda, upos na ito'y di makain
noon, sa aplaya'y nakatitig ang paham
at kanyang nausal habang mata'y malamlam:
"Bulok ang mga taong walang pakialam.
Subalit mas bulok ang walang pakiramdam."
- gregbituinjr.
Ito ang blog ng sanaysay at tula ng ekobriker na si Gregorio V. Bituin Jr. Itinataguyod niya ang pangangalaga sa kalikasan, at pagtitiyak na kahit papaano'y makapag-ambag munti man upang hindi pumunta sa landfill at sa karagatan, lawa at ilog ang mga plastik at upos ng yosi upang hindi makain ng mga isda at hindi makasama sa kalikasan at sa kalusugan ng kapwa tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Muling paggawa ng ekobrik
MULING PAGGAWA NG EKOBRIK ang maybahay ko'y may naiwang boteng plastik sa bahay, naisip kong muling mag-ekobrik na naiwan kong gawaing n...

-
may mga basurahan nang para sa nabubulok panis na pagkain, pinagbalatan ipapasok basang papel, dahong winalis, huwag magpausok magsunog ng b...
-
ang dagat bang puno ng basura'y nakita nyo na? anong namasdan nyo, aba'y kayraming plastik, di ba? nakakadiring pumunta sa dagat n...
-
PAGGAWA NG EKOBRIK Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nitong Nobyembre 18, 2020, ay nagtungo ako sa tanggapan ng Philippine Alliance of Hum...
No comments:
Post a Comment